Bilang lalaking pinoy, ang mga taga-gupit ng mga buhok natin o mga Barbero ay isa sa madalas nating nagiging kaibigan, lalong lalo na dahil ugali natin makipag palitan ng kwento ng ating buhay sa halos kung sino-sino na lamang lalo na pag na buburyong o na bobored tayo.
Ang pagpapagupit ng buhok ay tumatagal din minsan ng 30 minuto hangang isang oras o higit pa depende sa haba ng inyong buhok o kung may mga iapapdagdag ka pang serbisyo kagaya ng ahit o kulay.
Dito sa Novaliches, Quezon City marami naring mga barbero ang nakagupit sa buhok ko at isa dito si FERMIN ODO na laking Davao na bukod sa pag-babarbero eh may mga iba pang negosyo kagaya ng networking at magbenta ng ibat-ibang mga pangangailangan ng tao sa panahon ngayon kagaya ng mga Alcohol at Face masks.
Kung ating papansinin, karamihan ng barbero ngayon ay nag-aral pa ng ilang buwan o taon sa isang specialty school kung saan ka matututong mag-gupit ng buhok, pero ang iba naman kagaya ni Fermin ay nagsimula lamang sa pag-gupit sa buhok nilang magkakapatid hangang sa napraktis ang kanyang skills, dumating din ang panahon na gumugupit siya ng buhok ng mga bata ngunit libre lamang ito ay dahil gusto niya talagang matuto.
Lumipas ang ilang taon at si Fermin ay masasabi na nating isang PROFESSIONAL BARBERO na naging bihasa lamang dahil sa kanyang hilig sa pag-gugupit, umasenso din ang buhay niya dito dahil naipangtustus nya ang kanyang mga kinita sa pag-buo ng pamilya at mga kasangkapan, di lang yan ha ang dating maliit at mainit niyang barberuhan ay ngayon airconditioned na at malaki pa!
Alam niyo sa buhay walang maliit o malaki, nasa sipag, tiyaga at determinasyon lamang yan kung papaano ka mag-tatagumpay
Comments