top of page
Writer's pictureRaymard Gutierrez

ANG PAG ASENSO NG MGA PINOY SA KOTA KINABALU



Isa ang Kota Kinabalu o Sabah sa Malaysia sa mga lugar na may maraming mga Pinoy na nagtratrabaho, isa sa dahilan nito ay dati marami ang trabahong nagiintay para sa mga Pinoy at iba pang lahing Asiano, isa din ay dahil halos nasa dulo lang ito ng Palawan at noong unang panahon nga ay marami rin ang mga napapabalitang tinatawag na dumaan sa "Back-Door" kaya narating ang Bansang ito. Kung inyo ngang mapapansin ang ilang pangkat etniko dito ay may pagkahawig din sa mga naninirahan nating kapatid sa Mindanao.


Mayroon din silang Filipino Market dito na isa rin sikat na Night Market at puntahan sa mga naghahanap ng Handicrafts at murang pasalubong.


Sa pag daan ng panahon marami na ring mga Pinoy ang umasenso dito sa Sabah kagaya nga ng nakapanayam natin na mga pinoy dito na si IRENE MANALO na isang Kapangpangan at si AMALIA TOLEDO na taga Ozamis.


Nakipagsapalaran sa Sabah si Irene dahil sa kanyang limang anak na gusto niyang magkaroon ng magandang buhay, una siya nag apply dito bilang isang Promoter at dahil sa maliit lamang ang kanyang sahod nahihrapan siyang matustusan ang ibang mga gastusin kaya nagisip siyang magtinda ng mga Pagkain at iba pang mga bagay. Lumipas ang panahon at dahil sa sipag, tiyaga at determinasyon ang dating paluto lamang ay naging isang sikat na Restaurant sa Kota Kinabalu ang TAMABAYAN AT KAINANG FILIPINO na tinatangkilik hindi lang ng mga Pinoy kundi pati narin ang mga Banyaga. Ilan sa ipinagmamalaki nila ay ang Sisig, Kare-Kare at Crispy Pata at alam niyo ba ang special Bagoong, Buro at Chicharon na ginagamit nila ay sila din ang gumawa! Di lang yan, sila din ang pinupuntahan ng mga banyaga para matikman ang BALUT. Sa ngayon ang pangarap ni Irene ay mayroon ng mga branches sa Api-Api, Kota Kinabalu; Beverly Hills, Kota Kinabalu; Labuan, Malaysia pati narin sa Canada sa patnubay naman ng kanyang anak.


Iba naman si Amalia kung saan 27 years na sa Kota Kinabalu, hirap daw ang dinanas niya sa unang pag-sabak niya ngunit sinuwerte siya ng may napangasawa siyang Malaysian na mabait dahil ito ang tumulong sa kanya sa hirap at ginhawa.


Magkaiba man ang istorya ngunit iilan lang sila sa maraming mag Pinoy na nakipagsapalaran at naging maunlad sa Kota Kinabalu at isa sa tanging sikreto nila sa magandang pamumuhay dito ay ang pag=tulong sa mga kababayan.


Sa istorya ng mga nakilala natin, saan ka man sa mundo. masasabi natin na di mahirap ang umunlad basta may Sipag at determinasyon siguradong magtatagumpay ka.


Muli Raymard Gutierrez mula sa Sabah, Malaysia

1 view0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page