Nitong Oktubre 28, kasabay ng isinagawang launching ng AMAGA ADVERTISING AND TRADING ay ipinakilala ng dating Senior Citzens Partylist Representative Atty. Godofredo Arquiza ang bagong Online TV na tinatawag na SENIOR CITIZENS CHANNEL kung saan magbibigay boses at magsisilbing bahay sa ating mga kababayang Senior Citizens.
Kung ating aalamin ang buhay ni Atty. Arquiza, makikilala natin siya sa larangan ng print advertising dahil ito ang kinalakihan niya at pinamanang negosyo sakanya ng kanyang pamilya, ngunit kung ating maalala ng taong 2010, naging maingay ang pangalan ni Atty. Godofredo Arquiza dahil isa siya sa mga tao sa likod ng RA 9994 o ang batas na nagbibigay ng karagdagang benepisyo at pribilehiyo sa ating mga kababayang Senior Citizens kaya kung saan siya din ang nakilala bilang Presidente ng mga Senior Citizens sa buong bansa.
Lumipas ang mga taon matapos ang kanyang termino ngunit di parin huminto si Atty. Arquiza sa pagbigay ng gabay at tulong sa mga Senior Citizens kaya naman kamakailan sa tulong ng isang batikan at matalik na kaibigang nasa MEDIA, binuo ni Atty. Arquiza ang SENIOR CITIZENS CHANNEL para sa mas madaling information dissemination sa ating mga kababayang Senior ukol sa iba't ibang mga aspeto.
Sa Channel na ito magkakaroon ng mga Talk Shows, Balita, Serbisyo Publiko at iba pa na layuning bigyang pansin ang mga Senior Citizens hindi lang mula sa Pilipinas kundi pati mga OFW's at mga taga ibang bansa.
Ang ilang programa din dito ay hindi lang naka LIVE sa online platform kundi pati sa iba't ibang mga TV and Radio Stations sa buong pilipinas. Para sa karagdagang impormasyon, bumisita lamang sa WWW.SENIORCITIZENSCHANNEL.COM
ATTY. GODOFREDO ARQUIZA at MRS.REMEDIOS ARQUIZA, mula sa KAXADO NEWSPAPER, RJNL PRODUCTIONS,
GUTIERREZ MEDIA PRODUCTIONS at PASYAL TAYO! Binabati ka namin at binibigyang pugay sa iyong ginawang "channel" para sa mga Senior Citizens.
CONGRATULATIONS!
Comments