Dumarami ang mga Coffee Shops sa ating bansa, ito ay dahil nahihilig ang mga pinoy sa kape at naituring nadin na parang "national drink" na natin ito.
Marami ang klase ng mga coffee beans at mayroon din itong iba't ibang mga lasa at tapang, kaya naman marami rin mga flavors ang mga binebentang kape na mag cocomplement sa natural taste ng coffee beans.
Sa ating pamamasyal, nakilala natin ang isang coffee shop na matatagpuan sa Marquinton Residences sa Marikina City, ito ang COZ CAFE na pag-mamayari ni Dylan Dizon. Kung kape ang pag-uusapan, hindi na malalayo diyan si Dylan dahil kilala na siya dati pa sa larangan dahil sa kanyang vietnamese coffee blend mula sa Sao Coffee na ating na enjoy at naging paborito rin.
Kung ikaw ay mabibisita sa Coz Cafe, unang tingin mo palang ay maakit ka na sa kanyang simple ngunit eleganteng color scheme na black and white na nagbigay din ng appeal sa shop. Maliit lang ngunit malakas ang dating sa younger crowd na nagbigay ng happy aura sa ating pag-punta at normal din daw itong ganito lalo na pag weekend kung saan marami ang nag rerelax after a week of stressful work.
Kung MENU naman ang paguusapan eh kokonti lamang, pero lahat sila ay best seller lalo na ang sinubukan nating Coz Latte at Croissant na fresh! Meron talaga itong harmonious relationship pag-pinagsama mo and its really good ika nga.
Ang Coz Cafe ay baguhan lamang sa merkado ngunit kung ilalaban mo ito sa mga kilalang brands ay masasabi mong may laban talaga ang bagong coffee shop na ito.
I will give you their best sellers for you to try, COZ LATTE, MATCHA LATTEE, DARK CHERRY MOCHA, JAPANESE LATTE AT MARAMI PA! You should try their pastries as well like yung CROISSANT, BANANA LOAF, BROWNIES AT IBA PA!
Definitely, next time you visit Marikina, don't forget to try Coz Cafe! Oh tara, Pasyal Tayo!
Comentários