top of page
Writer's pictureRaymard Gutierrez

FLYING SCHOOL SA MINDANAO

Gusto niyo bang matutong magpalipad ng eroplano?


Marami ang gustong maging Piloto unang una dahil marami kang mapupuntahang lugar o bansa, mataas ang sweldo na nasa tinatayang 80,000 pesos pataas na starting salary, maraming benipisyo at iba pa.


Para makuha mo ang mataas na antas na ito ay marami ka rin dapat pag-daanan kagaya ng pag aaral sa isang magandang aviation school. Isa ang Mindanao sa mga "HUB" ng pilipinas sa ating bansa na may ilang mga International Airport na nilalapagan ng mga turista at negosyante mula sa iba't ibang bansa kagaya ng Singapore at dahil dyan alam niyo din ba na may ilang aviation school din sa

Rehiyon kagaya ng ROYHLE AVIATION na matatagpuan sa ZAMBOANGA CITY, dito nakilala natin si CAPTAIN CLINT SANCHEZ ang Station Manager ng Royhle Aviation sa Zamboanga, ayon sakanya marami rin ang mga gustong pumasok sa aviation industry sa rehiyon at bukod sa mga Pinoy ay mga foreigner rin na nagpunta pa sa ating bansa para lang matuto lumipad.



Sumilip tayo Royhle Aviation sa Zamboanga at nakita natin ang kanilang mala-airport terminal na campus na maliit man ngunit kumpleto ng pasilidad para matutong magpalipad. Isa sa pumukaw ng atensyon natin dito ay ang kanilang Flight Simulator na may OCULUS, na isang goggles na nakakabit sa computer kung saan pag suot mo ito ay magkakaroon ka ng "REAL-LIFE" view ng cockpit ng isang eroplano at bukod pa diyan may inflight controls ka ding katabi na kaparehas sa totoong eroplano kaya madali mong maiapplay ang natutunan mo sa simulator sa totoong buhay. Isa pa sa nakakatuwa dito ay ang kanilang A320 cockpit na sticker sa kanilang pader kung saan kahit hindi ka nakasakay sa totoong eroplano ay magiging pamilyar ka sa mga controls at pindutan dahil aktuwal ang sukat nito.



Isa rin sa pinagmamalaki ng Royhle Aviation sa Zamboanga ang kanilang scenic flight tour kung saan sa loob ng 30 minutes ay malilibot niyo ang ilang mga magagandang views ng Zamboanga kagaya ng Sta. Cruz Island, Paseo Del Mar, Zamboanga City at iba pa sa loob lamang ng 5,999 pesos ngunit may promo din sila ngayong September 3000 pesos at October 4000 pesos naman, sinubukan natin ito at napaka enjoyable ng experience, iba talaga ang view from the top at isa pa sa kagaya ko naman na aviation enthusiast ay nakaktuwa na makikita mo kung papaano pinalilipad ang eroplano.



Ang Royhle ay nabuo ng taong 2013 sa Dumaguete at ang Royhle Zamboanga naman ay nabuo ng taong 2020 meron itong ilang Cessna 152, Cessna 172 at Piper Seneca para sa mga gustong matuto ng multi-engine, isa din sa pinagmamalaki nila ang pkikipag partner sa Alpha Aviation group kung ang isang estudyante naman ay gustong matuto ng Airbus.


The key to success is to know where to start at kung gusto mo ma fullfill ang karera sa pagiging piloto then Royhle is for you!


Mula sa Zamboanga City, Tara Pasyal Tayo!






1 view0 comments

Recent Posts

See All

Комментарии


bottom of page