top of page
Writer's pictureRaymard Gutierrez

INTERNATIONAL TRAVEL MAS PINALUWAG



Sa unti-unting pag luwag ng ating bansa sa mga travel restrictions ay kasabay na din ng pag-luwag ng ilang mga International borders. Kamakailan ay nag-punta tayo sa Kota Kinabalu sa Malaysia kung saan halos balik normal na din ang pamumuhay, kung nais niyong bumisita dito may ilan na lamang na kailangan mong pag-handaan.


Sa airport ng Pilipinas unang hahanapin sayo ng airline check-in counter ang iyong Round-trip ticket, Passport at Hotel Booking na siyang hahanpin din sayo ng immigration, pangalawa dapat kumpleto din ang dala mong mga dokumento kagaya ng Id sa trabaho kung meron o mga tour itinerary ng sa ganun ay mapatunayan mo na turista ka na may sapat na kakayanan para matustusan ang iyong Travel.


Kung Malaysia ang iyong tungo wala na din kailangang Covid test o Travel Insurance na hihingin, ngunit mas maganda kung mag-ttravel ka ay merong kang Travel Insurance.


Makalipas ang mahigit isang oras at kalahati na Air Travel ay mararating mo na din ang Kota Kinabalu, Sabah, Malaysia. Pag-dating sa immigration siguraduhin na may mahigit pa sa anim na buwan ang expiration date ng iyong passport dahil may kahigpitan sila dito. Matapos ang ilang minutong paghihintay ay makakapasok ka na din sa Malaysia.


Isa sa napansin natin dito sa Malaysia ay ang kanilang balik sa normal na pamumuhay kung saan ppwede kang hindi mag-suot ng Face Mask sa mga pampublikong lugar loob man o labas, mapapansin din natin na unti unti na rin nanunumbalik ang turista sa panahon ngayon matapos ang ilang taong mga paghihigpit.


Sa pagbalik naman sa Pilipinas, ang pangunahing kailangan mo lamang ay ang VAXCERT at ONE HEALTH PASS na app na hahanapin sa inyo ng Bureau of Quarantine sa ating bansa, pero kung gusto niyo mas mapadali ang proseso, kinakailangan mo lang kumuha ng International Vaccination Card o Yellow Card sa Bureau of Quarantine kung saan nakalagay ang lahat ng Vaccination details mo.


Oh diba mas madali ng mag-travel!


Mula sa KOTA KINABALU, SABAH, MALAYISIA, Tara, Pasyal Tayo!




1 view0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page