Kilala ang Boracay sa iba't ibang masasarap na kainan at sinasabi nga ng karamihan na kung gusto mong makatikim ng lahat ng klase ng pagkain then Boracay is the place to be...
Pero alam niyo ba kung Lugaw o Pares ang craving ninjyo eh mahihirapan kayo dahil kakaunti lang at halos wala pa ang ganitong mga pagkain sa isla, pero say no more dahil isang taga Tondo, Manila ang nagpasok ng ganitong pagkain sa Isla.
Ayon kay Franzeth Medrano, experimental lamang ang kanilang ginawang BULALUGAW sa Boracay, ito ay dahil mahilig lamang ang kanyang Ama na magluto at talagang wala sila experience sa pag-gawa ng Pares at Lugaw. Ilang trial and error din ang ginawa nila until makuha nila ang perfect recipe ng Lugaw.
Pumasok tayo sa kusina para silipin ang kanilang specialties at lahat freshly made kagaya ng Lumpia, Lugaw, Pares at iba pa at alam niyo ba sila lang ang nagtitinda ng Chicharong Bulaklak na isa ring Pinoy Favorites at the best thing dito, sa murang halaga eh solb ka sa dami ng serving nila.
Gusto niyo bang masubukan ito? Punta na sa BULALUGAW sa Boracay!
Tara, Pasyal Tayo!!!
Commenti