Ito ay isang open cockpit aircraft na karaniwang pinalilipad as a recreational hobby ng mga aircraft enthusiasts. Nagsimula ang ganitong teknolohiya ng taong 1970's to 1980's sa pamamagitan ng mga HANDGLIDERS ngunit dahil gusto nilang magkaroon ng murang eroplano, sinubukan nilang lagyan ito ng makina at dito nabuo ang ULTRALIGHT.
Alam niyo ba kung gusto niyong matutong magpalipad nito ay ilang araw lang makakaya mo na dahil madali lamang paandarin ito, mura lang din ang gasolina nito dahil UNLEADED na 97 octane o mas kilala na V POWER o in aviation term MO-GAS lamag ay aandar na sya and the best thing di mo kelangan ng CAAP liscence para magpatakbo nito ngunit kung binabalak mo eh dapat wala ka ring takot sa heights dahil 500-800 feet ang ceiling nito na mataas at exposed sa wind turbulence.
Sinubukan natin sumakay dito, nakakatakot dahil walang takip at skeleton lamang ito, may ilang safety measures din na ginawa while preparing kagaya ng seatbelt, goggles at helmet dapat nakasuot before na lumipad, malakas kase ang hangin sa taas at masakit sa mata ito.
After few minutes, inistart na ang engine and we proceeded sa active runway makalipas ang ilang segundo dahil magaan lamang eh mabilis na itong nakalipad! Nakakaenjoy ang experience ngunit nakakalula lang talaga, mataas kase ang nilipad namin sa 500 feet at ramdam mo ang lakas ng hangin, kaunting galaw at ramdam mo sa tiyan mo yung pressure at akala mo nakalutang ka lamang sa hangin.
Maganda ang view sa Pradera Verde, marami kang makikitang bundok at kaberdehan sa paligid ng Lubao, Pampanga.
After 15 minutes ng ating experience ay bumaba na din tayo na masaya na experience ang ganitong kakaibang klaseng eroplano.
Kung gusto niyong subukan, i message lamang sa Facebook ang PRADERA VERDE FLYING CLUB.
Tara, PASYAL TAYO!!!
Comments