Mahigit isang buwan makalipas ang lindol na tumama sa Norte, apektado parin ang mga Residente at tila di parin nawawala ang bakas ng nakaraang mga pagyanig.
Isa ang Vigan sa malaking naapektuhan ng Lindol na ikinasira ng mga istraktura sa sikat na Calle Crisologo at pati ilang mga kabahayan sa ibang bahagi. Sa Caoayan, Ilocos Sur isang kabahayan ang natunghayan nating lumubog at halos nahati ang sahig pati ang mga poste dahil sa lakas ng lindol, ilang mga balon din daw ang umapaw at nagkaroon ng malaking soil erosion sanhi ng pag-galaw ng lupa.
Sa pag dako naman natin sa Vigan, Ilocos Sur isang istraktura sa Calle Crisologo ang ating nakita na halos bumagsak na ang buong bubungan pati ang ilang bahagi ng dingding nito. Ayon sa mga nakausap nating residente, hirap parin ang dinadanas nila kahit sa panahon ngayon na may pangamba parin.
Ayon kay Adela Paylano isang tindera ng gulay marami parin daw ang natatakot lumabas at ang iba nasaraduhan na ng pwesto dahil sa di pagbabayad at ang iba naman kahit kauting galaw lang ng silya, takot na ang nadarama. Ayon naman kay Larry Frando, isa namang trycyle driver, humina ang kanilang kita dahil marami paring turista nag-aalangan pumunta. Nakapanayam din natin ang turistang si Alma Abrigo, aniya ibang iba raw ang lagay ng Vigan ngayon at dati dahil dati marming kasiyahan, maraming turista ngunit ngayon ay talagang bawas na.
Unti-unti mang bumalik ang mga turista at unti-unti mang bumalik ang kabuhayan ng mga residente di parin maiaalis sa kanilang isipan ang nangyaring mga pag-yanig ng nakaraan.
Comments