Isang negosyante mula sa Angeles, Pampanga ang biglaang nagkaroong ng inaasam-asam na Acting career at ito pa sa unang pagkakataon, ang sikat na si JULIA BARETTO ang naka eksena niya agad!
Ito ay si Sahil Khan, isang bar owner mula sa Angeles, Pampanga. Ayon sa kwento niya, may eksena ang aktress na si Julia Baretto sa tinatawag na Walking Street sa Angeles ng Biglang nakita niya si Sahil, nagustuhan raw umano ni Julia ang awra niya kaya kinuha siyang leading man nito.
Labis naman ang pagkatuwa ni Sahil dahil aniya bata pa lang siya ay gusto na niyang makapasok sa takilya ngunit di niya alam kung papaano makapagsimula dito. Kinuwento din ni sahil ang hirap ng pinagdaanan niya sa pag-arte sa pelikula nila Julia Baretto dahil foreigner siya na hirap mag tagalog, kaya pati ang crew ng pelikula nahirapan din, ngunit alam niyo ba dahil sa ganda ng performance ay nasundan agad ang pelikula niya ng isa naman shortfilm.
Isang malaking pasasalamat daw ang nangyari sa buhay niya dahil dream come true raw ang Showbiz para sa kanya at may lubos pa siyang pasasalamat at ito ay para sa kanyang Pinay na Ina na taga Mindanao.
Si Sahil sa ngayon ay dumadaan sa ilang workshop at may ilang pelikula na din siyang naka ambang i shooting.
Ang pelikula namang EXPENSIVE CANDY ay pinagbibidahan ni Julia Baretto at Carlo Aquino sa direksyon ni Jason Paul Laxamana under Viva Films.
Comments