top of page
Writer's pictureRaymard Gutierrez

PINOY NURSES, IN-DEMAND SA AMERIKA


Ayon sa datos ng United States labor statistics, may siyam na porsyentong dagdag ang pangangailangan ng amerika sa mga nurses mula sa taong 2020 hangang 2030. Ayon kay Ms. Rachelle Grace Olivar, RN, USRN ng Ipass review & Mentoring Academy, 194,500 openings every year sa isang dekada ang oportunidad ng mga gustong mag nurse sa Estados Unidos kaya naman dumarami ang mga ahensyang tumutulong sa mga kababayan nating gustong makapasok dito at isa pa di kailangan ng experience at isa pa marami din ang benepisyo pag ikaw ay naging nurse sa Estados Unidos.

Ayon kay Drixie Gonzales, Recruitment Director ng Towne Kids isang ahensyang layunin tumulong sa mga Pinoy Nurse na gustong magtrabaho sa Estados Unidos, kailangan mo lamang ng sertipikasyon na pasado ka as RN o Registered Nurse, maipasa ang NCLEX exam ay maari ka ng mag apply.


Ang processng period ay dedepende sa mga requirements na mayroon ka at kung kumpleto ito ay pwedeng walong buwan hangang isang taon ay makapagtrabaho ka na sa Amerika at isa pa ppwedeng Immigrant Visa at Green Card na agad ang makuha mo sa unang tapak mo palamang sa Estados Unidos at ppwede na rin makakasama mo na agad ang iyong kapamilya sa pag-punta mo.


Isa rin sa kwalipikasyon para makapasok dito ay makapasa ka sa English Proficiency Exam na IELTS at ayon kay Ervin Nil Temporal, may-ari ng 9.0 niner IELTS review center ay kasama ang dokumentong ito sa pag-aaply ng Immigrant Visa, Working Visa, Fiance Visa o iba pang longterm Visa sa Estados Unidos.


May isa namang tip ang binigay ang mga eksperto kung papaano malalaman na "LEGIT" ang iyong ahensyang pag-aaplayan at ito ay dapat POEA registered.

Kung binabalak nating subukang makipagsapalaran sa ibang bansa, wag basta-basta magpadalos-dalos ng desisyon sa ating tatahaking landas at mag-isip muna kung ito ba ang hinahanap nating "FUTURE" sa ating buhay.


-Para sa karagdagang imporasyon maari ninyong tawagan si Earn Arocena Abellana sa numerong (0927)134-2829




0 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page