Unti-Unting mas lumalakas ang turismo ng Pilipinas dahil sa pag-luwag ng mga travel restrictions sa mga probinsya ng ating bansa at isa pa isang execuive order din ang inilabas ni President Bong-Bong Marcos na boluntaryo na lamang ang pag-susuot ng Face masks sa labas.
Kamakailan ay napunta tayo sa Zamboanga City at dito ay napuntahan natin ang protected site na STA. CRUZ ISLAND, dito may ilang paghihigpit ang pinatutupad sa lahat ng gustong magpunta kaya isang briefing muna ang ating pinakinggan bago tayo payagang makapunta dito kagaya ng pag-babawal sa pagdadala ng Plastic Bags, oras na pagbisita mula 7:00 ng Umaga hangang 2:00 ng Hapon lamang at paglilimita ng mga bisita hangang 100 lamang kada-araw.
Mararating mo ang isla na ito sa loob ng labing limang minutong pagbiyabiyahe mula sa Paseo Del Mar sa Zamboanga at unang sasalubong sayo ang pinkish white beach sand na dahil sa nadurog na Red Organ Pipe Corals na marami sa Isla. Di mo na din kailangang mag-dala ng pagkain dahil may mga locals na nagbebenta ng mga bagong huling seafoods sa abot kayang presyo at iba pang mga pangangailangan.
Bukod sa pag-langoy sa Beach ay may ilang activities din kayong pwedeng i book dito kagaya ng pagbisita sa Mangrove Forest kung saan matututunan natin ang kahalagahan ng mga Bakhawan o Mangroves sa Marine EcoSystem at isa pa kung ano ang mga katangian ng mga Bakhawan sa Paligid. Dito din ay makakakita at makakakuha kayo ng fresh na "LATO" o Sea Grapes na isang klase ng Seaweeds, bukod diyan ay mayroon din silang klase ng STINGLESS JELLYFISH na ppwede mong mahawakan at mapag aralan. Bago matapos ang Mangrove tour ay ppwede ka din magpapicture sa sikat na VINTA boat ng ZAMBOANGA.
Bukod sa kanilang mangrove forest ay may ipinagmamalaki din silang SAND DUNES sa kalapit na Isla kung saan ppwede kayong bumaba at magkuha ng maraming litrato ngunit ipinagabawal ang pag-langoy dahil sa pagbibigay proteksyon sa natural formation na ito.
Pag-balik sa main island ay may grupo ng mga kabataan na sa halagang 50 pesos ay bubuuin nila ang iyong pangalan gamit ang malalaking kahoy na letra kung saan pwede kayong magpalitrato.
Isa sa ugali ng karamihan din sa atin ay ang hilig ng pag-uwi ng mga seashells o bato sa dalampasigan pero kung binanalak mo ito sa Santa Cruz ay wag mo ng ituloy dahil may karampatang parusa ito dahil sa pagiging protected Island nito.
Sa kabuuan, sulit at the best ang naging Santa Cruz Island Adventure natin at sana bumisita din kayo dito. Oh Tara, PASYAL TAYO!
Comments